La Mesa dam, umapaw na

Umapaw na ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam kaninang 3PM dulot ng malakas na pag-ulan at habagat

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, ang water level ng La Mesa Dam ay nasa 80.16 meters na lampas na sa 80.15 meters na spilling level nito.

Kabilang sa magiging apektado ng pag-apaw ay ang mga residente sa Tullahan River sa Quezon City, partikular ang Barangay Fairview, Forest Hills Subd., Sta. Quiteria, at San Bartolome, gayundin sa Valenzuela City at ang mga mababang lugar sa Malabon City.

Pinapayuhan ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na maging alerto sa pagbaha.

Facebook Comments