La Niña, asahang tatama sa bansa – PAGASA

Manila, Philippines – Inihayag Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posibleng magkaroon na La Niña ang bansa.

Sa advisory ng PAGASA, mayroong 65 to 70 percent na ma-develop ang La Niña ngayon buwan ng Octobre hanggang Novembre na magtatagal hanggang 1st quarter ng taong 2018.

Ayon pa sa PAGASA, dahil sa La Niña ay magkakaroon ng ‘above normal’ na pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa na maaaring magdulot ng baha at landslide.


Ayon kay Ana Liza Solis, PAGASA Officer-In-Charge, noong pang Setyembre nila binabantayan ang posibilidad ng pagkakaroon ng La Nina.

Kasunod ang abiso sa lahat ng concerned agencies na maging handa sa epektong dulot La Niña na isang penomenon kung saan lumalamig ang silangang bahagi ng Pacific Ocean na lumilikha ng hindi pangkaraniwang dami ng tubig ulan.

Facebook Comments