Inaasahang sa susunod na tatlong buwan pa mabubuo ang nagbabantang La Niña weather phenomenon.
Gayunman, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ito ay inaasahang magiging “mahina”.
Ayon pa sa PAGASA, 66% ang pagkakataong mabuo ang La Niña nitong Setyembre hanggang Oktubre, at malamang na magpapatuloy hanggang sa unang quarter ng 2025.
Inaasahan din ng state weather bureau na humigit-kumulang walo hanggang 14 na tropical cyclone ang tinatayang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) hanggang Enero sa susunod na taon.
Facebook Comments