La Niña, posibleng magsimula na ngayong Oktubre

Posibleng magsimula na ang La Niña ngayong Oktubre.

Ayon kay Benison Estareja ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nasa 70- 80 percent ang tiyansang mararamdaman na ang La Niña sa susunod na buwan.

Ang La Niña ay ang phenomenon kung saan mas higit sa normal ang nararanasang mga pag-ulan.


Maaaring magtagal ang La Niña hanggang sa unang quarter ng 2022.

Nasa dalawa hanggang tatlong tropical cyclones naman ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa mga susunod na buwan.

Mataas ang tiyansa ng naturang mga bagyo na maglandfall sa bansa.

Facebook Comments