La Solidaridad Museum, na magiging lagakan ng kasaysayan ng mga bayaning Pilipino, pinasinayaan sa Malolos, Bulacan

Pinasinayaan ang kauna unahang Sa Solidaridad Museum, na magsisilbing repository o lagakan ng historical artifacts ng mga bayani ng bansa.

Ito’y bahagi ng advocacy program ng Gran Logia Soberana del Archipelago Filipino o Soberana Mason sa Malolos, Bulacan.

Layon nito na makadagdag kaalaman sa mga bagong henerasyon upang higit na maunawaan ang historical background ng mga bayani sa kasaysayan.

Ayon sa Soberana Mason, dahil maraming educational institutions sa Malolos, malaking suporta ito sa educational formation ng mga mag aaral upang mapatingkad ang kanilang diwang makabayan.

Pinangunahan ni Malolos Mayor Christian Natividad Grand Master Lestat Jonco at Grand Commander Victor Raquipiso ang ribbon cutting ceremony sa hall ng museum at sa consecration ng Heritage masonic temple sa Symbolic lodge nito sa Malolos.

Ayon kay Alfonso Bicomong, media liaison officer, may mga outside investigator sila na maghahanap sa antas lokal at sa labas ng bansa ng mga relakiya o artefact patungkol sa La Solidaridad.

Maliban sa pagkakakila bilang diariong tagalog noong panahon ng mga Kastila, naging propaganda platform din ang La Solidaridad ng mga bayani, gaya nila Marcelo del Pilar at Jose Rizal.

Facebook Comments