La Trinidad Benguet, Car Free Day tuwing Thursday

52

La Trinidad, Benguet – Isang ordinansa ang naipasa sa La Trinidad Benguet na idinedeklarang Car Free Day ang unang Huwebes ng bawat buwan.

Nilagdaan ni La Trinidad Mayor Romeo Sala noong April 5 ang Executive Order No. 05-2018 na naglalayong mabawasan ang pagpasok ng mga private vehicles sa munisipalidad.

Sa Car Free Day, hindi maaaring pumasok o dumaan ang mga private vehicles at motorcycles mula alas sais ng umaga hanggang alas sais ng gabi. Kabilang din sa mga lugar na sakop ng Car Free ang public parking areas, gymnasium, municipal building at La Trinidad Municipal Police Station.

Idol, kapag car free, traffic free!

Facebook Comments