La Trinidad, Benguet, isinailalim na sa 3 araw na extreme enhanced community quarantine

Isinailalim sa tatlong araw na extreme enhanced community quarantine ang La Trinidad, Benguet.

Magsisimula ito ngayong araw hanggang sa Martes, March 31.

Ito ay makaraang makapagtala ng dalawang positibong kaso ng COVID-19 sa lugar.


Isa sa pasyente ay anim na taong gulang na babae na may travel history sa Cavite.

Naka-confine ang bata sa Benguet General Hospital at stable na ang kondisyon.

Ang isa pang pasyente ay 34-anyos na babae na una nang na-discharge sa kaparehong ospital noong March 26 pero nito lang biyernes nang lumabas ang resulta ng kanyang test mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Kaugnay nito, kanselado muna ang mga biyahe at operasyon ng mga trading post sa lugar hanggang matapos ang contact tracing at pagdi-disinfect sa mga lugar na may kaso ng COVID-19.

Magpupulong din ang regional Inter-Agency Task Force (IATF) para sa guidelines ng extreme enhanced community quarantine.

Facebook Comments