Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng La Union ang pagiging premiere surfing destination nito sa bansa kasunod ng isinasagawang ng 2024 WSL World Junior Championships sa Urbiztondo, San Juan, La Union.
Simula kahapon, nagpasiklaban ang mga dayuhang junior surfers sa Women’s Opening Round na magtatagal hanggang January 19 para sa Junior Championship Title.
Layunin ng surfing competition na isulong ang ecotourism activities na ipinatutupad upang makilala pa sa international scene ang lalawigan sa larangan ng surfing.
Positibo ang provincial government sa kaganapan dahil magsisilbi itong paraan upang tangkilikin ang mga ipinagmamalaking beach ng La Union at maiangat ang kulturang Ilokano sa mga bisita.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments