Namahagi ang Pamahalaang Panlalawigan ng La Union ng 40 multi-purpose vehicles (MPVs) sa mga barangay ng Luna, La Union.
Layunin ng programa na mapalakas ang kakayahan ng mga barangay sa rescue operations, peace and order, at disaster response bilang bahagi ng inisyatibong naglalayong gawing mas matatag, tumutugon, at ligtas ang mga komunidad sa lalawigan.
Ang mga sasakyan ay magsisilbing karagdagang kagamitan upang mapabilis ang pagtugon sa mga emergency at kalamidad tulad ng bagyo at lindol.
Ipinahayag ng pamahalaang panlalawigan na patuloy nitong susuportahan ang mga lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng mga programang pangkaligtasan at pangkaunlaran.
Facebook Comments









