Pinabulaanan ng provincial government ng La Union na wala itong kaso ng Omicron Variant matapos ideklara ang isang close contact ni Gwyneth Chua na nagpositibo sa sakit na nagpunta ang mga ito sa probinsiya para sa isang benefit concert sa Kermit La Union noong ika-29 ng Disyembre.
Nagsagawa ang PNP La Union at Provincial Government ng site inspection kung mayroong nalabag na protocol ang naturang establisyimento sa pinangyarihan ng programa.
Sumailalim ang management ng Kermit-La Union sa isolation at nakatakdang isagawa ang RT-PCR testing sa mga ito.
Sa kasalukuyan, isang empleyado nito na close contact ang nagpositibo sa COVID-19 ngunit nilinaw ng Provincial Government na wala pang kaso ng Omicron variant sa probinsiya.
Nagsasagawa na ng koordinasyon ang probinsiya sa Department of Tourism at Local Government Unit ng San Juan sa kanilang monitoring at contact tracing procedures.
Inaabisuhan na ang lahat ng mga indibidwal na nagpunta sa establisyimento mula December 29-30 na i-monitor ang kanilang sarili at i-contact ang Provincial health office. | ifmnews