Pinaigting ng pamahalaang panlalawigan ng La Union ang mga programa laban sa gutom at malnutrisyon sa pamamagitan ng isinagawang Zero Hunger Summit kasabay ng Nutrition Month Celebration.
Tinalakay ng mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya ang mga hakbang upang matiyak ang sapat na suplay ng pagkain at tamang nutrisyon para sa mga mamamayan.
Kabilang sa mga binigyang pansin sa tatlong plenary session ang pagpapatibay ng mga lokal na inisyatiba laban sa kagutuman, pakikilahok ng pribadong sektor at kabataan sa mga programang pang-nutrisyon, at pagsusuri sa kasalukuyang sitwasyon ng kagutuman sa bansa.
Dagdag pa rito, ginawaran din ng parangal ang mga indibidwal at lokal na pamahalaan na nanguna sa pagpapatupad ng mga epektibong programang pangkalusugan at pang-nutrisyon, gaya ng Outstanding Barangay Nutrition Scholars at Green Banner Seal of Compliance.










