LA UNION PPO, NAGPAALALA SA PAG-IWAS SA MGA AKYAT BAHAY NGAYONG KAPASKUHAN

Nagpaalala ang La Union Police Provincial Office (PPO) sa publiko na maging maingat at magpatupad ng mga hakbang upang maiwasan ang pagnanakaw o akyat-bahay ngayong Kapaskuhan.

Kabilang sa mga ipinayo ng pulisya ang pagtiyak na nakasara at nakakandado ang lahat ng pintuan at bintana bago umalis ng tahanan, pati na rin ang pag-install ng alarm, CCTV, at iba pang security system.

Pinayuhan din ang publiko na ilagay ang mahahalagang kagamitan sa ligtas na lugar at, kung maaari, mag-alaga ng aso bilang dagdag na proteksyon.

Dagdag pa rito, mahalaga ring itago at tandaan ang mga numero ng security personnel ng barangay, subdivision, at pulisya, at agad na iulat sa awtoridad ang anumang kahina-hinalang insidente o pangyayari sa paligid.

Facebook Comments