LA UNION PPO, PINAIGTING ANG KAMPANYA KONTRA POGO OPERATIONS

Patuloy na paiigtingin ng La Union Police Provincial Office (PPO) ang kanilang pagbabantay upang masawata ang operasyon ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa buong lalawigan.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng direktiba ni President Marcos Jr., kasunod ng ipinatupad na total ban sa operasyon ng POGO sa bansa, pati na rin ang pagrevoke ng mga lisensya ng mga POGO operators noong Disyembre 15, 2024.
Sa kasalukuyan, nakaalerto ang mga kapulisan sa La Union at nagsasagawa ng inspeksyon sa mga bayan, habang nakikipag-ugnayan din sa iba pang ahensya upang matiyak ang tagumpay ng kampanya.

Hinihikayat ng kapulisan ang kooperasyon ng publiko, partikular na ang pagrereport ng mga operasyon ng POGO sa kanilang mga lugar, upang tuluyan nang matuldukan ang ilegal na POGO sa bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments