Patuloy ang magandang ipinapakitang laban ng Schools Division Office (SDO) ng La Union sa ikalawang araw ng Region 1 Athletic Association (R1AA) Meet 2026 matapos makapagtala ng kabuuang pitong medalya sa elementary at secondary levels.
Batay sa ulat ng opisyal na Facebook page ng 2026 R1AA Meet (as of 2:41 PM), nakasungkit ang La Union ng isang silver at isang bronze medal sa elementary level. Samantala, mas naging mabunga ang kanilang kampanya sa secondary level kung saan nakakuha sila ng dalawang gold, dalawang silver, at isang bronze medal.
Sa kabuuan, umabot na sa dalawang gold, tatlong silver, at dalawang bronze medal ang naipon ng delegasyon ng La Union.
Dahil dito, kasalukuyang nasa ikaapat na pwesto ang La Union sa overall medal tally, patunay sa patuloy na husay at determinasyon ng kanilang mga atleta sa naturang panrehiyong paligsahan.
Inaasahan namang lalo pang madadagdagan ang kanilang medalya sa mga susunod pang laban habang nagpapatuloy ang kompetisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










