Pormal nang naiproklama si Incumbent Vice Governor Mario Eduardo Ortega bilang bagong gobernador ng La Union matapos ang halalan nitong Mayo 2025.
Tinalo nito ang kaniyang pamangkin na si Governor Rafy Ortega -David sa botong 252,425. Kasabay namang nanalo bilang bise-gobernador si Eric Sibuma. Sa Kongreso, nanatili sa puwesto sina Paolo Ortega V para sa Unang Distrito at Dante Garcia para sa Ikalawang Distrito ng La Union.
Sampung bagong miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ang naiproklama rin — lima mula sa Unang Distrito at lima mula sa Ikalawang Distrito.
Naiproklama na rin ang mga mayor at iba pang lokal na opisyal sa buong lalawigan.
Ayon sa COMELEC, naging maayos at mapayapa ang halalan sa La Union.
Umaasa ang mga mamamayan sa pagpapatuloy ng tapat at makabuluhang pamumuno sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









