LAB FOR ALL, ISASAGAWA NG LTO REGION 1 SA PANGASINAN

Pinaghahandaan na ng Land Transportation Office Regional Office 1 ang pagsasagawa ng programang LAB FOR ALL kung saan ilalapit ang mga serbisyong hatid ng tanggapan sa mga residente.

Nito lang nagsagawa ang tanggapan ng meeting at site inspection sa Saint Vincent Ferrer Prayer Park, Bani, Bayambang, Pangasinan kung saan gaganapin ang naturang aktibidad.

Binigyan diin ni Regional Director Glorioso Daniel Z. Martinez ang pagbibigay ng malapitang serbisyo ng LTO sa bawat komunidad at maging ang pagbibigay kaalaman sa mga ito ukol sa road safety awareness.

Ilan sa mga serbisyong ma-ihahatid ng naturang aktibidad ay libreng Theoretical Driving Course, distribusyon ng motorcycle-for-hire plates sa mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) at marami pang iba.

Ang “LAB FOR ALL” ay naglalayon na mailapit sa mga komunidad lalo na sa mga lugar na may limitadong access sa serbisyo ng LTO at mapaigting pa ang pagbibigay kaalaman ukol sa kahalagahan ng responsible driving at road safety. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments