LABAG | Integrated Bar of the Philippines, kinondena ang tangkang pagpatay sa isang abogado sa Quezon City

63

Manila, Philippines – Mariing kinokondena ng Integrated Bar of the Philippines ang nangyaring pananambang sa isang abogado sa Quezon City noong nakalipas na araw.

Matatandaang maswerteng nakaligtas si Atty. Argel Joseph Cabatbat matapos tambangan ng riding in tandem sa EDSA QC alas-dose ng hatinggabi.

Ayon sa IBP, malinaw na paglabag ito sa rule of law dahil ayon sa paunang imbestigasyon ang mga kasong hinawakan ni Atty. Cabatbat ang isa sa mga dahilan kung bakit ito nais patahimikin.

Isa lamang ayon sa IBP si Atty. Cabatbat sa mga maswerteng abogado na nakaligtas sa tangkang pagpatay dahil maraming lawyers, hukom maging miyembro ng hudikatura ang target ng mga pagpatay.

Kasunod nito, nananawagan ang IBP sa NBI, PNP at iba pang law enforcement agencies na papanagutin ang mga nasa likod ng tangkang pagpatay sa isa nilang mga abogado upang makamit nito ang hustisya.

Facebook Comments