LABAG | Mga sumukong drug suspects sa Lamitan, Basilan – hinahataw ng paddle!

Manila, Philippines – Iniimbestigahan na ng Commission on Human Rights at DILG ang pag-paddle sa mga drug surrenderee sa isang barangay sa Lamitan, Basilan.

Ayon sa barangay, paraan nila ito para disiplinahin ang mga sangkot sa droga.

Anila, napag-usapan nila ito at sinang-ayunan naman daw ng mga residente.


Dalawang palo sa mga binti ang tinatamo ng mga drug surrenderee habang mas maraming palo para sa mga sangkot sa mas malawak na kalakaran ng droga.

May fiber glass ang ginagamit na paddle kaya ang mga napapalo, napapaupo at iika-ika maglakad dahil sa sakit.

Pero ayon sa CHR, labag sa ilalim ng batas ang pananakit kahit pa sa mga itinuturing na suspek.

Kaugnay nito, inatasan na ng CHR ang regional office nito sa Mindanao na imbestigahana ng insidente.

Facebook Comments