Ilocos Norte – Nanganganib na alisin ang dinarayong wishing tree sa Pasuquin, Ilocos Norte kasunod na rin ng naging babala ng Department of Environmental Natural Resource (DENR) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) tungkol dito.
Ayon kay Josefa Elvira Lorico, managing direktor ng BSP, kasama ang DENR ay nakatakda silang makipag-usap sa munisipalidad ng Pasuquin.
Nauna nang sinabi ng DENR na labag sa batas ang pagbabaon ng anumang bagay na makakasugat sa mga puno habang ayon sa BSP, maaaring maparusahan ang gumagawa nito dahil sa maling paggamit sa pera.
Samantala, kinumpirma rin ng BSP ang isyu tungkol sa nag-viral na larawan ng ₱100 bill kung saan makikitang may bingot si dating Pangulong Manuel Roxas.
Pero ayon kay Lorico, aalamin pa nila kung galing nga sa BSP ang pera.