LABAG SA HOUSE RULES | Miro Quimbo, kekwestyunin sa Korte Suprema ang pagpapanatili kay Suarez bilang lider ng minorya sa Kamara

Manila, Philippines – Ku-kwestyunin sa Korte Suprema ni Marikina Representative Miro Quimbo ang pananatiling minority leader sa Kamara ni Quezon Representative Danilo Suarez.

Giit ni Quimbo, isa sa nagnanais na maging minority leader sa Kamara, malinaw na paglabag sa house rules na ang mayorya ang nagtalaga sa magiging lider ng minorya sa Kamara.

Aniya, malinaw na nakasaad sa rules na magiging myembro na ng mayorya ang bumoto ng affirmative sa itinalagang house speaker.


Matatandaang bumoto ng pabor at sumuporta si Suarez kay House Speaker Gloria Arroyo.

Una nang sinabi ni Suarez na nakahanda niyang bitawan ang minority leadership kung ito ay igigiit ng Korte Suprema.

Facebook Comments