Manila, Philippines – Nanindigan si Chief Presidential Legal Counsel
Salvador Panelo na walang bisa sa Pilipinas ang Rome Statute na lumikha ng
International Criminal Court (ICC).
Sa isang forum, iginiit ni Panelo na labag sa saligang batas ang statute
dahil hindi binigyan ng due process si Pangulong Rodrigo Duterte.
Hindi rin aniya nailathala sa Official Gazette ang pagsanib ng Pilipinas sa
Rome Statute kaya wala umanong bisa ang batas.
Sinabi naman ni Commission on Human Rights (CHR) Commissioner Roberto
Cadiz, mahalagang mekanismo ang ICC para panagutin ang mga may salang
opisyal.
Hinimok naman ni O-Gon Kwon, President of the Assembly of States Parties to
the Rome Statute ang Pilipinas na huwag umalis.
Handa rin aniya siyang pumunta ng Pilipinas para makipagdayalogo sa mga
opisyal ng gobyerno.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>