LABAG SA SALIGANG BATAS | Quo Warranto Petition, ipinababasura

Manila, Philippines – Ipinababasura ni Albay Rep. Edcel Lagman sa Korte Suprema ang Quo Warranto Petition na inihain laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Lagman, bukod sa walang basehan ang Quo Warranto Petition , ito rin ay tahasang pag-atake at paglabag sa ating Konstitusyon.

Giit ni Lagman, labag ito sa Saligang Batas dahil hinihikayat nito ang Korte Suprema na ipagkait ang hurisdiksyon ng Kamara at Senado na magpatalsik sa isang impeachable official.


Kampante si Lagman na hindi madadaan sa short cut na quo warranto petition ang pag-impeach sa Punong Mahistrado dahil hindi ito itinatakda sa Konstitusyon.

Sinabi ni Lagman na kung talagang ang SALN ang paglabag na ginawa ni Sereno, ito ay nasa ilalim ng “Betrayal of Public Trust” at hayaan na lamang sana na maiakyat ang kaso sa Senate Impeachment Court.

Facebook Comments