LABAG | SolGen Jose Calida, pinababasura sa Korte Suprema ang petisyong magpapahintulot ng same-sex marriage sa bansa

Manila, Philippines – Pinababasura ni Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema ang petisyon na nagpapahintulot ng same-sex marriage sa bansa.

Sa ikalawang oral arguments ng Korte Suprema, iginiit ni Calida, labag ang same-sex marriage sa konstitusyon at family code.

Pero paglilinaw ni Calida, hindi intensyon ng kanyang opisina na hadlangan ang karapatan ng bawat indibidwal na maging masaya.


Subalit hindi aniya maaring mag-demand ang same-sex couples na kilalanin ng estado ang pagpapakasal ng magkaparehas na kasarian.

Nakasaad aniya sa konstitusyon na ang pinapayagan lamang na ikasal ay sa pagitan ng lalaki at babae.

Dagdag ni Calida, ang dapat gawin ng petitioner na si Atty. Jesus Falcis ay humiling ng constitutional amendment para maisama ang same-sex couples sa kasal.

Tinapos na ng Korte Suprema ang oral arguments at binigyan ang magkabilang panig ng 30-araw para maghain ng memoranda.

Facebook Comments