Manila, Philippines – Sa kauna-unahang pagkakataon sinimulan na nang Philippine Navy na lagyan ng missile system ang kanilang tatlong Multi-Purpose Attack Craft (MPACS).
Ayon sa isang senior official ng Philippine Navy na ayaw mag pabanggit ng pangalan nilalagyan na ng Rafael Spike –ER missile system ang tatlo nilang Multi-Purpose Attack Craft.
Layon aniya nitong higit pang mapaigting ang pagpigil sa magtatangkang manakop ng teritoryo ng bansa.
Ang Rafael Spike-ER missile system na galing sa Rafael Advance Defense System ng bansang Israel ay dumating na sa bansa dalawang linggo na ang nakalilipas.
Ikinatuwa naman ng ng hanay ng Philippine Navy ang pagkakaroon ng Karagdagang kapabilidad katulad ng missile na magagamit nila sa pagpapatrulya sa teritoryong ng bansa.