Laban Konsyumer: Pagbawi sa price freeze, labag sa Bayanihan to Heal as One Act

Maituturing na paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act ang pagbawi ng Department of Trade and Industry (DTI) sa price freeze.

Ayon kay Laban Konsyumer President Atty. Vic Dimagiba, malinaw na dapat na magpatuloy ang mga panuntunan sa ilalim ng batas hangga’t nasa ilalim ng national emergency ang Pilipinas.

Aniya, bagama’t tapos na ang 60 araw na pagpapatupad ng price freeze, nananatili pa rin namang naka-quarantine ang bansa dahil sa banta ng COVID-19.


Matatandaang inanunsyo ng DTI na balik na sa loob ng Suggested Retail Price (SRP) ang mga pangunahing bilihin.

Sa kabila nito, tiniyak ng ahensya na ang pagbawi sa price freeze ay hindi makakaapekto sa kanilang price at supply monitoring habang patuloy din ang kanilang paghabol sa mga nananamantalang negosyo at indibidwal.

Facebook Comments