LABAN KONTRA ILEGAL NA DROGA, IPINAGPAPATULOY NG BRGY. CABARUAN

Cauayan City, Isabela — Muling nanawagan ang pamunuan ng Barangay Cabaruan sa mga indibidwal na sangkot sa ilegal na droga na itigil na ang kanilang mapanirang gawain. Ayon sa kanilang pamunuan, patuloy na naaapektuhan ang katahimikan at kaligtasan ng komunidad dahil sa paglaganap ng ipinagbabawal na gamot.

Sa panayam ng iFM News Team, binigyang-diin ni Kagawad Rolando A. Tacuboy na ang droga ay hindi lamang sumisira sa buhay ng indibidwal, kundi maging sa kinabukasan ng buong pamayanan. Kaya naman pinaigting nila ang kampanya laban dito sa tulong ng pulisya at iba pang ahensya ng gobyerno.

Ayon sa mga awtoridad, mas pinaigting na rin ang barangay patrol at pagbabantay sa mga lugar na posibleng gawing taguan o transaksyunan ng ilegal na droga.

Nananawagan din sila sa publiko na makiisa at agad magsumbong kung may nalalaman silang kahina-hinalang aktibidad.

Facebook Comments