LABAN KONTRA ILIGAL NA DROGA, PATULOY NA ISINUSULONG SA BAYAN NG ASINGAN

Patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan ng Asingan ang kampanya kontra iligal na droga bilang malapit ng makamit ng bayan ang pagiging drug cleared municipality.
Dalawang araw na nagsagawa ng isang Community-Based Anti-illegal Drugs Advocacy (CBAIDA) Trainings of Trainors ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pangasinan sa bayan na siyang demand reduction activity ng gobyerno na naglalayon na mabigyan ng kaalaman ang ukol sa pag iimplementa ng anti-drug sa bayan.
Ang pagsasagawa rin nito ay magiging pinaka-requirement para matawag ang naturang bayan na drug-cleared municipality.

Layunin din ng pagsulong na ito na mapalakas pa at mapalawak pa ang kaalaman at kasanayan ng mga Barangay Anti-illegal Drug Abuse Council (BADAC).
Samantala, nasa siyamnapung porsyento o nasa 1,123 na ang drug cleared barangays sa lalawigan ng Pangasinan, ayon sa pinakahuling datos ng PDEA Pangasinan. |ifmnews
Facebook Comments