Laban kontra NPA, sisikaping tapusin ng AFP ngayong taon

Pagsusumikapan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tapusin ang laban kontra sa New People’s Army (NPA) sa taong kasalukuyan.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., desidido sila na tapusin na ang laban kontra NPA upang makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa bansa.

Ang pahayag ng AFP Chief ay kasunod ng pagkumpirma sa iniulat ng pangulo na 11 na lamang ang guerilla front ng NPA at wala nang aktibong guerilla front sa lahat ng rehiyon ng bansa.


Base pa sa mga report na ibinigay ng mga military ground commander, nasa 1,500 na lamang ang bilang ng mga nalalabing myembro ng NPA na binubuo ng mga maliliit na grupo ng mga straggler na nagsisikap na mag-regroup.

Ani Brawner, nagbigay na sya ng direktiba sa lahat ng mga ground commander upang tuluyang mapulbos ang mga teroristang komunista.

Facebook Comments