Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na ang laban ng bansa sa COVID-19 pandemic ay hindi pa tiyak kung kailan matatapos lalo na at patuloy ang paglobo ng mga kaso.
Sa kaniyang Talk to the People Address, nagpaalala si Pangulong Duterte sa publiko na patuloy na sinasagupa ng buong mundo ang hindi nakikitang kalaban.
Wala ring kasiguraduhan kung hanggang saan ang magiging laban na ito.
Ang dagok na ito ay hindi lamang kinahaharap ng Pilipinas pero maging ng buong mundo.
Iginiit din ni Pangulong Duterte na hindi nagkulang ang pamahalaan sa pagtugon sa pandemya.
Ang kaniyang mga desisyon na magpatupad ng lockdown ay batay sa rekomendasyon ng mga medical expert.
Dagdag pa ng Pangulo, ang pandemya ay matatapos lamang sa pamamagitan ng bakuna pero ang problema ay nagkakaubusan ang supply nito sa buong mundo.