Laban ni Nonito Donaire kontra Rodriguez ng Puerto Rico, tuloy na

124

Tuloy na ang paghaharap ni 4-Division Champion Nonito Donaire laban kay IBF Bantamweight Champion Emmanuel Rodriguez ng Puerto Rico sa Disyembre 16.

Ayon sa ‘The Filipino Flash’, gagawa sila ng bagong game plan lalo’t hindi niya maaaring maliitin si Rodriguez.


Sa ngayon ay nasa Las Vegas na si Donaire para mag-training.

Nabatid na una dapat na makakaharap ni Donaire para sa WBC Bantamweight si Nordine Oubaii pero ito ay nagpositibo sa COVID-19.

Facebook Comments