Laban nina Olympian boxer Charly Suarez at undefeated boxer Jammes Martin, all-set na ngayong araw

Handa na sina Olympian boxer Charly Suarez at undefeated boxer Jammes Martin sa kani-kanilang laban ngayong araw.

Makakaharap ng 33-anyos na si Suarez si Mindanaoan boxer Tomjune Mangubat para sa 12-round WBA Asia super featherweigh championship.

Habang ang 22-anyos na si Martin ay makakalaban si Cotabato veteran boxer Ronnie Baldonado para sa bakanteng WBA Asia super bantamweight belt.


Gaganapin ang naturang laban sa Elorde Sports Complex sa Sucat, Paranaque City.

Si Suarez ay may record na siyam na panalo at wala pang talo na mayroong anim na knockouts habang ang Ifugao native na si Martin ay mayroong 18 panalo, walang talo na mayroong 15 knockouts.

Makakasabayan din ang 12-round Philippine flyweight title fight sa pagitan ni Bienvenido Ligas at challenger Roland Jay Biendima.

Facebook Comments