LABAN PA | Partial reconsideration ng DOJ sa kasong coup d’etat ni Sen. Trillanes, kasado na

Manila, Philippines — Inihahanda na ng Dept of Justice ang Motion for Partial Reconsideration sa naging pasya ni Judge Andres Soriano ng Makati RTC Branch 148 na nagbabasura hinggil sa very urgent motion ng DOJ na ipaaresto si Senador Antonio Trillanes.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, sentro ang kanilang partial reconsideration sa bahagi ng desisyon na nagsasabing may sapat na pruweba si Trillanes na nakapaghain sya ng kanyang Certificate of Amnesty. Partikular ang sinasabing pag-amin ni Trillanes sa ginawang kudeta noong 2003 at pagbawi sa anumang pahayag na taliwas sa kanyang pag-amin sa krimen.

Ayon kay Guevarra, hanggang sa Biyernes ang kanilang palugit para maihain sa Makati RTC Branch148 ang kanilang Motion for Partial Reconsideration.


Facebook Comments