Manila, Philippines – Matapos katigan ng Makati RTC Branch 148 tutok naman ngayon ang kampo ni Senador Antonio Trillanes IV sa nakabinbin pa niyang kaso sa Makati RTC Branch 150.
Ayon kay Trillanes, nakapaghain na sila ng Motion for Reconsideration (MR) para baliktarin ang naunang desisyon ng korte hinggil sa kaso niyang rebelyon.
Matatandaang nag-piyansa ng P200,000 ang senador para sa pansamantala niyang kalayaan matapos paburan ng korte ang hirit ng DOJ ng maglabas ito ng warrant of arrest at hold departure order (HDO).
Bukod kay Trillanes, ikinatuwa rin ng ilang mga kapwa niya senador ang naging desisyon ni Judge Andres Soriano.
Pero sabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra – hindi pa ito maituturing na total victory ni Trillanes dahil may bahagi ng resolusyon ang kumikilala pa rin sa Proclamation 572 ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nauna nang sinabi ni Trillanes na hindi pa rin siya magpapakampante dahil alam niyang sensitibo ang bawat kaso.