Laban sa COVID-19, napagtagumpayan na ni Senator Angara

Nakalabas ng ospital si Senator Sonny Angara, wala na siyang pneumonia at higit sa lahat negatibo na siya sa coronavirus.

Ito ang masayang ibinalita ni Angara sa kanyang facebook post kung saan pinasalamantan din niya ang mga doktor at nurse na nag-alaga sa kanya hanggang sa siya ay gumaling.

Nagpasalamat din si Angara sa kanyang pamilya, mga kaibigan at sa lahat ng nagdasal para sa kanya, nagpadala ng mga letters at pagkain.


Binanggit din ni Angara na masaya siyang masasamahan ang anak sa pagdiriwang ng kaarawan nito sa kanilang bahay ngayong weekend.

Binigyang diin ni Angara na tunay na bayaning maituturing ang mga frontliners, lalo na ang mga health workers, na hindi na umuuwi sa kanilang tahanan at sa halip ay nagdodoble ng duty sa ospital para magsalba ng buhay at magbigay proteskyon sa ating lipunan.

Dahil dito ay hinikayat ni Angara ang lahat na manatili sa kani-kanilang bahay upang makatulong na mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Facebook Comments