Laban sa ilegal na droga magtutuloy tuloy sa 2020

Asahan ang patuloy na pagtugis ng gobyerno sa mga taong nasa likod ng pagpapakalat ng iligal na droga sa taong 2020.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo walang magbabago sa pagsupil ng Duterte Adminsitration sa iligal na droga.

Sinabi ni Panelo na magtutuloy-tuloy ang relentless drive ng gobyerno sa iligal na droga sa susunod na taon katulad ng pagpupursige nito noong nagsisimula pa lamang ang termino ni Pangulong Duterte.


Subalit binigyan diin ng kalihim na hindi lamang ang illegal drugs ang hahabulin ni Pangulong Duterte kundi lahat ng gawain na labag sa umiiral na batas.

Walang sasantuhin ang Pangulo sa mga gumagawa ng iligal kahit pa ang tatamaan dito ay ang mga oligarchs.

Patuloy aniyang pagsusumikapan ng punong ehekutibo sa 2020 na tugunan ang pangangailangan ng sambayanang Pilipino upang magkaroon ng komportableng pamumuhay

Facebook Comments