Hinimok ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang grupong Laban TNVS gayundin ang iba pang stakeholders sa isang dayalogo kaugnay ng isyu ng pagdaragdag ng TNVS slots.
Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, mas makabubuti kung mapag-usapan ang lahat ng hinaing ng lahat ng stakeholders.
Kasunod ito ng pagtutol ng Laban TNVS sa desisyon ng LTFRB na magbukas ng karagdagang 10,300 TNVS slots sa Metro Manila, kabilang ang Metro Manila Urban Transportation Integration Study Update and Capacity Enhancement Program (MUCEP) area.
Iginigiit ng Laban TNVS na ‘di napapanahon ang pagbubukas ng LTFRB ng 10,000 na bagong TNVS slots.
Ayon sa grupo, dapat silipin ng ahensya ang umano’y 40,000 na TNVS na deactivated na pero patuloy na bumibiyahe at kinukunsinti ng isang transport network company.