Labanan natin ang Korapsyon sa Maguindanao-Gov. Bai Mariam

Pagbibigay ng serbisyo medikal sa pamamagitan ng Mobile Hospital Team, konstraksyon ng Makabagong Kabuhayan Centers, pagsasaayos ng mga Provincial Roads, karagdagang mga school buildings, pagbibigay ng learning materials, school armchairs at blackboard, kontraksyon ng sanitary landfills, suporta sa agrikultura maging sa mga magbabalik sa loob sa pamahalaan ang ilan lamang sa mga magiging prayoridad ng Administrasyon ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu para susunod na mga taon.
Ito ang kabilang sa mga inirepresenta ng Team GMSM kasabay ng Provincial Peace and Order Council meeting kahapon.
Giit pa ng gobernadora na hangad nito na tuluyang maramdaman ng kanyang mga kababayan sa lalawigan ang tunay na Makabagong Maguindanao, ang pagkakaroon ng mapayapa, maunlad at malusog na Maguindanao.
Kaugnay nito, hinihikayat ng Gobernadora ang lahat ng kanyang mga kasamahan na nagsisilbi sa taumbayan na samahan ito na malabanan ang korapsyon. Ito aniya ang isa sa dahilan kung bakit kabilang sa pinakamahirap na probinsya ang Maguindanao sa buong bansa .

Facebook Comments