Labanderang wanted sa pagnanakaw, nadakip sa Maynila

Timbog ang isang babae sa Maynila na wanted dahil sa kasong pagnanakaw.

Ayon sa ulat ng Manila Police District (MPD), nadakip ang suspek na si Julie Nazario na isang labandera sa bisa ng warrant of arrest.

Isinagawa ang pag-aresto sa harapan ng kanilang bahay sa Paco, Maynila.


Batay sa imbestigasyon, may kasong theft ang babaeng suspek at may warrant of arrest laban sa kaniya mula pa noong 2010.

Nasa ₱12,000 naman ang inirekomendang piyansa para sa pansantalang paglaya ng suspek.

Facebook Comments