LABAS SA ISYU | Panukalang palitan ang komposisyon ng NFA Council, hands off ang Malacanang

Manila, Philippines – Ipinaubaya na ng Palasyo ng Malacañang sa kongreso ang pagdedesisyon sa pagbago ng komposisyon ng National Food Authority o NFA Council.

Ito ay matapos mabunyag na iisa lang ang magsasaka sa buong konseho at ang natitira ay mga matataas na opisyal ng Pamahalaan.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, ang mga mambabatas na ang bahala sa nasabing panukala at hindi na makikialam dito ang Malacanang.


Nabatid na 18 ang mga miyembro ng NFA Council kung saan 5 dito ang mga miyembro ng Gabinete ng Pangulo at ang iba naman ay mga heads of Agencies tulad ng Land Bank of the Philippines, Bangko Sentral ng Pilipinas at NFA Administrator.

Matatandaan na sinabon at pinagre-resign na ng ilang Senador si NFA Administrator Jason Aquino dahil hindi umano nito ginagawa ang kanyang trabaho.

Facebook Comments