Labi ng 2 Kasapi ng 5th ID na Nasawi sa Jolo Cathedral Bombing, Iuuwi Ngayong Araw!

*Cauayan City, Isabela-* Nakatakdang maiuwi ngayong araw, Enero 29, 2019 dito sa Lalawigan ng Isabela ang mga labi ng dalawang sundalo na nasawi sa naganap na pagsabog sa Mt. Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu noong Linggo ng umaga, Enero 27, 2019.

Inaasahang mailapag ng C130 plane sa Cauayan City Airport sa ganap na alas tres ngayong hapon ang mga labi nina Sgt Mark Des P. Simbre ng Ramos West, San Isidro, Isabela at Cpl John B. Mangawit na taga Mabaca, Tanudan, Kalinga.

Ang dalawang sundalong nasawi ay mula sa 41st Infantry Battalion sa ilalim ng 5th Infantry Division, Philippine Army.


Papangunahan naman ni Major General Perfecto Rimando Jr, Commanding General ng 5th ID, PA ang pagsalubong sa mga labi nina Sgt. Simbre at Cpl Mangawit kasama ang mga kaanak at pamilya ng dalawang namayapang sundalo.

Facebook Comments