Labi ng 2 missing matapos maligo sa Camotes Islands sa Cebu, na-recover na ng Philippine Coast Guard

Narekober na ng Philippine Coast Guard (PCG) at San Francisco Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang labi ng 2 missing persons sa bisinidad ng karagatan ng Barangay San Isidro, San Francisco sa Camotes Island, Cebu.

Kinilala ang 19-taong gulang na biktima na si Jhon Mark Heriodas at 21-taong gulang na si Clark Paradero.

Nabatid na naligo sa naturang isla sina Heriodas, Paradero, at 6 na iba pa at ideneklara silang missing.


Na-rescue naman ang 6 nilang kasamahan ng San Francisco MDRRMO, maliban kina Heriodas at Paradero.

Facebook Comments