Labi ng 2 nasawing OFWs sa gas explosion sa Abu Dhabi, hindi muna maiuuwi ng Pilipinas

Inanunsyo ni Philippine Ambassador to the United Arab Emirates Hyayceelyn Quintana na hindi muna maiuuwi ng Pilipinas sa ngayon ang labi ng 2 Pinoy na namatay sa nangyaring gas explosion sa Abu Dhabi nitong Lunes.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Ambassador Quintana na hindi pa kasi tapos ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naganap na pagsabog.

Pero nakipag-ugnayan na aniya sila sa mga naulilang pamilya ng 2 OFWs at ipinaliwanag ang sitwasyon.


Ayon kay Quintana, sa oras na matapos ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa Abu Dhabi ay agad nilang aasikasuhin ang repatriation ng mga labi ng dalawang biktima.

Una nang inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na lima sa walong Pilipino na nasugatan sa insidente ay na-discharge na sa ospital, habang ang tatlo pa ay nagpapagaling mula sa minor to moderate injuries na kanilang natamo mula sa pagsabog.

Facebook Comments