Labi ng 2 sa mga nawawalang crew members ng lumubog na LCT Cebu Great Ocean sa Surigao del Norte, na-recover ng Coast Guard

Na-recover ng Philippine Coast Guard ang labi ng 2 sa mga nawawalang crew members ng LCT Cebu Great Ocean sa Surigao del Norte.

Kinilala ang mga na-recover na crew members na sina Klint Auxtero at Limuel Dadivas.

Sa ngayon, 7 pang crew members ang nawawala.


Pansamantala namang sinuspinde ng Coast Guard ang search and retrieval operations dahil sa masamang panahon at maalon sa lugar.

Facebook Comments