Labi ng 71 OFWs na namatay sa Saudi Arabia, maiuuwi sa bansa bukas

Inaasahang maiuuwi na sa bansa bukas, July 28 ang labi ng 71 Overseas Filipino Workers (OFW) na namatay sa Saudi Arabia.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), 57 ang namatay sa COVID-19 at 14 ang namatay sa ibang kadahilanan.

Ang ikatlong batch ng mga labi na darating ay sasalubungin tulad ng mga naunang batch.


Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nararapat lamang na bigyan ng state ceremony ang mga namatay na OFWs.

Sa ngayon, aabot na sa 137 labi ng mga OFWs ang naiuwi sa bansa.

Mula sa nasabing bilang, 28 ay mula sa Alkhobar, 11 sa Jeddah, at 49 sa Riyadh.

Ang gastos sa pagpapauwi, cremation, transportation at iba pa ay sagot ng pamahalaan.

Facebook Comments