Labi ng apat na miyembro ng napatay na Abu Sayyaf – inilibing na sa Clarin, Bohol

Manila, Philippines – Inilibing na ang labi ng apat na miyembro ng Abu Sayyaf na napatay sa pakikipagbakbakan sa puwersa ng pamahalaan sa bayan ng Clarin, Bohol kamakailan.

Sa Clarin Public Cemetery inilibing ang labi ng apat na miyembro ng Abu Sayyaf.

Ayon sa tradisyong Islam, kinakailangang mailibing ang mga namatay na Muslim sa loob ng bente-kuwatro oras kaya’t sa bayan na ng Clarin, inihimlay ang mga ito.


Kasama sa mga bangkay na inilibing sa naturang pampublikong sementeryo ang labi ng sinasabing subleader ng grupo na si Joselito Melloria.

Ayon naman kay 302nd Brigade Spokesperson Capt. Jojo Mascariñas, ang tatlong ASG members ay hindi pa rin nakikila.

Si Melloria ay nasawi sa unang engkwentro na naganap pasado ala-una ng hapon habang ang tatlong miyembro ng ASG ay namatay sa ikalawang sagupaan na nangyari Sabado ng gabi.

Facebook Comments