Labi ng artist na si Bree Jonson, naiuwi na sa Davao City

Naiuwi na sa Davao City kahapon ng umaga ang labi ng artist na si Bree Jonson.

Ayon sa ulat, kasalukuyan na itong nakahimlay sa isang funeral home sa Davao City.

May ilan nang kaanak at mga kaibigan ang bumisita sa lamay ni Jonson kasabay ng pagsasagawa ng novena at misa ng pamilya.


Bukas, (September 28) nakatakdang ilibing ang labi ni Jonson.

Paliwanag naman ng ina ni Jonson na si Sally Jonson, hindi pa rin bumisita ang nobyo nitong si Julian Ongpin.

Mas mabuti aniyang magpakita si Ongpin at bumisita sa lamay para patunayang wala itong kinalaman sa sinapit ni Jonson.

Matatandaang natagpuan ang walang buhay na labi ni Jonson sa isang hotel sa La Union kung saan lumabas sa autopsy na asphyxia ikinamatay nito.

Facebook Comments