Labi ng higit 60 OFWs mula Saudi Arabia, darating sa bansa ngayong weekend

Nakatakdang dumating sa bansa ngayong weekend ang mga labi ng 66 overseas Filipinos na namatay sa Saudi Arabia.

Ito ang inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa gitna ng nagpapatuloy na repatriation efforts nito sa mga namatay na OFWs.

Ayon kay Labor Assistant Secretary Dominique Tutay, ang ikalawang batch ng mga labi ay inaasahang darating sa Linggo, July 19.


Bago ito, nasa 49 labi ng OFWs ang naiuwi na sa bansa noong July 10.

Ang unang batch ng mga labi ay nanggaling sa Dammam at Riyadh habang ang ikalawang batch ay mula sa Jeddah at iba pang bahagi ng Saudi.

Una nang tiniyak ng DOLE na maiuuwi sa bansa ang labi ng mga Pilipinong namatay hindi lamang mula sa Middle East kundi sa iba pang bahagi ng mundo.

Facebook Comments