Labi Ng Ilang Nasawing Sundalo Naiuwi Na

15

PAGADIAN – Naiuwi na sa kani-kanilang pamilya ang labi ng ilang sundalo na nasawi sa bakbakan ng militar at ilang grupo ng Abusayyaf sa Tipo-Tipo lalawigan ng Basilan. Panatag ang kalooban ng ilang mga kaanak dahil hindi nasayang ang kanilang sakrapisyo.Matandaan na nasawi sa bakbakan sina Pfc Keven Rey Verano at Pfc Marjun Duhaylungsod na mga tubong Pagadian , namatay din si Marjohn Munti na taga Salong Baroy Lanao del Norte.Kwento ni nanay Magdalena Munti ina ni Marjohn sa panayam ng RMN Pagadian, hindi nila alam na napasabak na pala sa labanan ang kanyang anak, nagulat nalamang siya nang makatangap ng tawag na wounded si Marjun sa engkwentro.Aniya, kahit isinasaayos pa ang matanggap na assistance ni Pfc Munti, alam ni nanay Magdalena na nakamit na ni Marjohn ang pinakamataas na parangal na pwedeng makuha ng isang sundalo ang maituring na bayani dahil sa pagtatangol sa bayan.

Facebook Comments