Labi ng isa sa 2 OFWs na namatay sa Singapore, nakatakdang iuwi sa La Union

Nakatakdang iuwi sa kanilang tahanan sa La Union ang labi ng isa sa dalawang OFWs na nasawi matapos ang pag-araro ng isang kotse sa grupo ng mga Pinoy na nagtitipon-tipon sa Lucky Plaza sa Singapore noong December 29,2019.

Ang labi ni Arlyn Nucos ay sinalubong ng kanyang mga kaanak at ng mga tauhan ng DFA sa Clark International Airport kagabi.

Kasamang dumating kagabi ang hipag ni Nocus na isa ring OFW sa Singapore.


Bago inuwi sa Pilipinas ang labi ni Nocus ay idinaos muna ang isang misa at seremonya sa Singapore.

Patuloy namang tinututukan ng DFA ang repatriation ng labi ng isa pang OFW na nasawi sa aksidente.

Magugunitang sa nasabing insidente, dalawang Pinoy ang nasawi at apat na iba pang OFWs ang nasugatan.

Facebook Comments