Labi ng isa sa sundalong nasawi sa bumagsak na C-130 plane sa Sulu, naiuwi na at nabigyan ng military honors

“Mabait, maalaga, palaging masaya.”

Ganito inilarawan ni Chris Jane Rollon ang kaniyang kapatid na si Private First Class Christopher Rollon na isa sa nasawi sa bumagsak na C-130 plane sa Patikul, Sulu noong Linggo.

Sa interview ng RMN Manila, emosyonal na ikinwento ni Rollon ang pagiging maasikaso ng kaniyang kapatid sa pamilya sa kabila ng kaniyang tungkulin sa bayan.


Ayon pa kay Chris, humingi sila ng tulong sa social media matapos na hindi umano nabigyan ng military honors ang kaniyang kuya at nanawagan sila na mapauwi na ang labi nito sa Zamboanga.

Nagpapasalamat naman si Chris dahil naiuwi na kahapon ang labi ni Private First Class Rollon sa kanilang probinsya at nabigyan din ito ng military honors bago maihatid kagabi sa kanyang huling hantungan.

Si Private First Class Rollon ay isa sa 53 na nasawi sa trahedya kasama ng 49 pang sundalo at tatlong sibilyan.

Facebook Comments